Sa aming pagpunta sa Mt. Banahaw ay marami kaming natuklasan gaya ng pagkakaugnay ng ating mga ginagawa sa ating center of gravity ng ating katawan. Dahil sa masamang panahon, hindi lahat ng mga pinlano naming ishoot sa Mt. Banahaw ay nakunan. Ilan lamang ang mga ito sa mga karagdagang impormasyon ng mga natutunan namin sa pag-akyat sa Mt. Banahaw.
Dahil gumagalaw tayo habang umaakyat ng bundok, nagbabago ang center of gravity natin. Ang paraan para manatiling stable ang ating katawan sa pag-akyat ay ang pagpapalaki ng ating area sa paraan ng paghihiwalay ng ating mga paa at paghakbang ng malalaking hakbang. Gamitin din natin ang ating mga kamay para ibalanse ang ating katawan at kumapit sa mga bato ng mabuti sa pag-akyat para hindi mahulog. Ang mabagal na pag-akyat at paminsan-minsang pag-upo ay mnakatutukong ding panatiliin ang balanse sa ating katawan habang umaakyat ng bundok dahil nagpapababa ito ng lokasyon ng ating Center of Gravity. Salamat po sa bigbibigay ng oras para basahin ang mensaheng ito.
No comments:
Post a Comment